BENTAHAN NG KARNE, TUMUMAL NA SA DAGUPAN CITY

Ramdam na ng mga meat vendors sa lungsod ng Dagupan ang tumal ang kanilang ibinebentang karne.

 

Ayon sa mga tindera at tindero ng karne na nakapanayam ng IFM News Dagupan, simula nitong Palm Sunday, humina na ang pagtangkilik sa karne bunsod na rin ng paniniwala lalo na ng mga Katoliko na pansamantalang hindi muna pagkain ng karne.

 

Sa ngayon, nasa P350 hanggang P380 ang presyuhan sa kada kilo ng baboy habang nasa P200 pa rin ang per kilo ng manok.

 

Makakabawi na lang daw ang mga tindera at tindero ng karne pagkatapos ng Semana Santa lalo na sa pagpasok ng buwan ng Mayo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments