Bentahan ng mga panregalo at dekorasyon, sumisigla habang papalapit ang Kapaskuhan

Ramdam na ang kasiglahan sa bentahan ng mga pang-regalo at dekorasyon sa ilang pangunahing pamilihan, partikular sa Baclaran, Pasay at Guadalupe.

Patok na rin ang mga seasonal items tulad ng hair bands na may disenyo ng Santa Claus, Reindeer, o Christmas Tree, at Santa Hats na madalas gamitin sa mga Christmas party at iba pang kapistahan.

Ayon sa mga nagtitinda, umaasa silang magpapatuloy ang magandang benta sa nalalapit na Pasko.

Sa isinagawang monitoring, hindi pa nagtataas ang presyo ng mga paninda, na nagbibigay-daan para sa abot-kayang pamimili ng publiko ngayong holiday season.

Facebook Comments