Bentahan ng mga prutas, fountain fireworks, torotot, at mga pampa-swerte sa Libertad, Pasay City ngayong bisperas ng Bagong Taon, lumakas dahil sa magandang panahon

Mas malakas na ang bentahan ng prutas, fountain fireworks, torotot, at ng ilang mga pampa-swerte ngayong bisperas ng Bagong Taon sa Taft Avenue, Libertad, Pasay City.

Tulad na lamang ng fountain firework na nagkakahalaga ng P100 hanggang P1,000.

Ang presyo naman ng mga sinasabing pampaswerteng prutas ay:


• Ubas – P150/kilo
• Green na ubas – P300/kilo
• Mansanas –P40 para sa dalawang piraso
• Fuji Apple –P50 para sa tatlong piraso
• Peras – P100 para sa tatlong piraso
• Ponkan – P10 ang isa
• Sunkist – P100 paras sa tatlong piraso
• Longgan – P200/kilo
• Dalandan – P100/kilo

Sa ngayon ay isinara ang ilang bahagi sa nasabing lugar sa mga motorista.

Facebook Comments