Bentahan ng mga sasakyan noong nakaraang taon, mas lumakas pa

Mas lumakas pa ang bentahan ng mga sasakyan at nalagpasan nito ang target sales noong nakaraang taon.

Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc., (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), mayroong 429,807 units ang naibenta noong nakaraang taon na mas mataas kaysa sa 2022 na mayroon lamang 352,596.

Ang nasabing bilang noong 2023 ay mas mataas na target na 423,000 unit.


Sa ngayon, isa sa nakikitang dahilan ng pagtaas ng benta ay dahil sa madali ang pagpapautang sa mga kliyente nito ganoon din ang mas pinagandang supply conditions sa lahat ng mga brand.

Facebook Comments