Tumumal ang bentahan ng mga school supplies sa maraming lugar sa bansa kasabay ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon sa mga nagtitinda, kung dati ay nagdadagsaan na ang mga namimili ng school supplies pagdating ng Hunyo, ngayon ay malinis na at wala nang mga nagtitinda sa bangketa.
Pero para naman sa ilang magulang, malaking ginhawa kahit ang ipatutupad na distance learning dahil bawas ang gastos pagdating sa supplies ng mga bata.
Sa ngayon, umabot lang sa halos sampung milyon ang mga estudyanteng nag-enroll para sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa August 24 sa pamamagitan ng Online Classes.
Facebook Comments