Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na hanggang Biyernes nalamang ngayon buwan ng Hunyo ang bentahan ng P25 na murang bigas sa Kadiwa Center sa harapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City.
Ayon kay DA Asec. Kristine Evangelista, nakikipag-uganayan na siya sa mga kooperatiba ng grupo ng mga magsasaka sa bahagi ng Nueva Ecija, Tarlac at sa bahagi ng Norte upang pakiusapan na palawigin pa ang pagbebenta ng murang bigas.
Una rito, nagpahayag ang mga grupo ng magsasaka na hanggang katapusan ng Hunyo ngayon taon ang kanilang bentahan ng murang bigas o P25 kada kilo ng bigas na galing sa Nueva Ecija.
Matatandaan na una nang nangamba ang grupong Central Luzon Farmers Cooperative na posiblemg lalo pang tataas ang presyo ng bigas sa mga darating na linggo dahil pakaunti ng pakaunti na ang stock na palay dahil tapos na ang anihan.
Umaasa ang ilang mga mamimili ng murang bigas na gagawa ng kaukulang hakbang ang DA para palawigin pa ang pagbebenta ng murang bigas sa Kadiwa Center sa harapan ng DA.