BENTAHAN NG PAKWAN SA LUNGSOD NG CAUAYAN, MATUMAL

CAUAYAN CITY- Bagama’t maraming suplay ng pakwan ay matumal pa rin ang bentahan nito sa merkado.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginang Loida, ngayon buwan ng Hunyo ay humina ang kanilang benta lalo na at wala ng pasok ang mga paaralan.

Aniya, sa bayan ng San Mariano pa sila nag-aangkat kung saan malakas ang kanilang benta o kita noong buwan ng Abril at Mayo.


Sa ngayon, nasa dalawampung piso kada kilo ang benta nila sa pakwan kaya naman kahit papaano ay kumikita pa rin sila.

Sa kabilang banda, hindi naman pinangangambahan ni Ginang Loida ang init ng panahon dahil hindi naman umano nito naaapektuhan ang kalidad ng pakwan.

Facebook Comments