
Matumal pa sa ngayon ang bentahan ng mga pampaswerte para sa pagpasok ng panibagong taon.
Kabilang sa mga ibinebenta ang iba’t ibang pampasabit na may disenyo ng pinya, pansalok, banga, at iba pa, gayundin ang mga gold coins at palay na sinasabing sumisimbolo ng masaganang pagkain at pera sa taong 2026.
Ayon kay Cristina Cawilan, isang tindera ng mga pampaswerte, inaasahan pa nilang lalakas ang bentahan hanggang Three Kings.
Gayunman, kahit nagtitinda siya ng mga pampaswerte, naniniwala pa rin siyang ang tunay na swerte ay nagmumula sa pagsisikap ng tao.
Samantala, patok naman sa maraming pamilya ang pagsusuot ng magkakaparehong damit sa pagsalubong ng Bagong Taon, lalo na ang mga T-shirt na may kulay na itinuturing na color of the year at lucky color para sa 2026.
Nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱250 ang bawat T-shirt mula small hanggang large size, ngunit mas makakamura ang mga mamimili kapag bultuhan ang binili.
Umaasa naman ang ilang tindera na lalakas ang kanilang bentahan bago sumapit ang Bagong Taon, lalo’t ayon sa kanila ay mahina ang naging kita sa buong taon kumpara sa mga nagdaang panahon.










