Anim na araw bago ang Bagong Taon, nagsimula nang dumayo sa Bocaue, Bulacan ang mga bumibili ng paputok.
Pero ayon sa mga nagtitinda, matumal ang bentahan ngayon ng paputok kumpara noong nakaraang taon.
Parehong klase pa rin ng mga paputok ang kanilang itinitinda pero mas mataas nang 30 percent ang presyo nito ngayon.
Anila, tinaasan din kasi ng kanilang mga supplier ang presyo nito kaya napilitan silang ipatong ito sa mga konsyumer.
Narito ang presyuhan ng mga paputok sa Bocaue:
Lucis – P35 to P55 kada sampung piraso
Kwitis – P400 kada 100 piraso
Fountain – P20 to P250 depende sa klase
Aerial Fireworks – P800 to P1,200 depende sa klase
Sinturon ni Hudas – P50 kada 100 piraso
Trompillo – P70 kada piraso
Paulit-ulit naman ang paalala ng mga otoridad na huwag gumamit ng malalakas at ipinagbabawal na uri ng paputok para iwas disgrasya sa pagsalubong ng Bagong Taon.