BENTAHAN NG PAPUTOK SA CALASIAO, MATUMAL

Matumal pa rin ang bentahan ng mga paputok sa bayan ng Calasiao, dalawang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Ayon sa ilang tindera, walong daang piso lamang kanilang kinikita sa buong maghapon hindi Gaya noong nakaraang taon na sa ganitong araw ay mabenta na ang paputok.

Umaasa ang mga ito na mauubos ang kanilang mga benta bukas ng Gabi.

Samantala, regular naman ang isinasagawang inspeksyon ng mga awtoridad partikular ang Pulisya at BFP upang siguruhing tumatalima ang aabot sa sampung stalls na nagbebenta ng paputok sa bayan.

Nakapuwesto ang mga naturang stalls sa tapat ng plaza at magtatagal lamang hanggang sa bisperas ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments