BENTAHAN NG PAPUTOK SA DAGUPAN CITY MATUMAL AYON SA MGA VENDORS; 10-20% NA DISKWENTO IBINIBIGAY NA SA MAMIMILI

Mag-iisang linggo na ang mga nagbebenta ng paputok sa bahagi ng Brgy. Poblacion Oeste sa Dagupan City ngunit ramdam umano nila ang tumal ng kanilang mga binebentang paputok.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang nagbebenta ng paputok gaya na lamang ni Veronica Lopez, presidente ng nasa 25 mga vendors ng paputok na sa loob ng pananatili nila sa pwesto ay ramdam nila ang tumal pa ng kanilang ibinebenta.
Aniya, paisa-isa lang ang dumarating para bumili kung saan mga maliliit lamang ang kanilang binibili.

Kaya’t dahil sa tumal, ang ilang nagbebenta ay nagbibigay na sila ng 10-20% na diskwento para lang maibenta nila ito.
Ayos lang naman daw sa kanila na maliit lang ang kanilang kikitain kesyo hindi mabawasan.
Ikinababahala din ng iba na baka hindi maubos o maraming matira ay wala silang kapag-iimbakan.
Dagdag pa ni Veronica na kanila namang inaasahan na ngayong araw hanggang bukas ay magsisidatingan na ang kanilang mga parokyang bibili ng paputok. |ifmnews
Facebook Comments