Cauayan City – Kung ikukumpara noong nakaraang buwan, bumaba na ngayon ang presyo ng ibinebentang pinya sa lungsod ng Cauayan.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ginang Rhea Baligod, tindera ng pinya, kung dati ang malalaking size ng pinya umaaabot sa 70-80 pesos kada piraso, ngayon ay nagkakahalaga na lamang ito ng P50 isa.
Samantala, ang maliliit na pinya ngayon ay nagkakahalaga na rin ng P100 kada tatlong piraso, at nagiging apat na piraso pa kada P100 kapag sumapit na ang hapon.
Ayon kay Ginang Baligod, isa sa mga dahilan ng pagbaba ng presyo ng pinya ay ang pagdami ng suplay nito sa merkado.
Gayunpaman, bagama’t madami ang suplay at bahagyang bumaba ang presyo ng pinya, kumikita pa rin naman umano sila at madalas nga ay nakakapag-paubos pa ng kanilang benta.