Bentahan ng pork sa mga Supermarket sa Quezon City, apektado na dahil sa ASF-tainted meat sa 2 Supermarket

Ramdam na umano ng hanay ng maliliit na Supermarket ang negatibong epekto ng African Swine Fever.

Ito ang sinabi ng Pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association o PAGASA kasunod ng pagkaka-kumpiska ng Quezon City Veterinary Office ng karne ng baboy na infected ng ASF sa dalawang malalaking Supermarket sa lungsod.

Ayon kay PAGASA President Steven Cua, nagdulot ng pag-aalinlangan sa pagbili ng karne ng baboy ang publiko dahil sa pagkakadiskubre ng ASF-tainted pork sa freezer ng Sam Cherry at Robinsons Mall sa lungsod.


Sabi ni Cua, hindi miyembro ng PAGASA ang dalawang nabanggit na Mall.

Sa ipinatawag ng Quezon City Government na pagpupulong sa lahat ng Supermarket owners sa lungsod, nilinaw ni Mayor Joy Belmonte na walang ipapataw na sanction sa dalawang mall dahil nakikipagtulungan naman umano ang mga ito.

Napagkasunduan sa meeting na magsusumite ng kanilang mga rekomendasyon at Protocol ang Management ng mga Supermarkets para maiwasang muling mangyari ang insidente bago naman magpalabas ng Executive Order para dito ang QC LGU.

Facebook Comments