
Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa National Telecommunications Commission (NTC) at sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na tugisin ang talamak na bentahan ng pre-registered SIM cards habang papalapit ang holiday season.
Nagbabala ang senador na ang bentahan ng pre-registered SIM cards ay ginagamit sa financial crimes at online scams para makapambiktima ng mga kababayan ngayong magpapasko.
Hinimok ni Gatchalian ang NTC at DICT na gamitin ang lahat ng kapangyarihan nito para obligahin ang mga telecommunication company o telcos na lumikha ng mekanismo na tutukoy sa mga subscriber.
Iginiit ng mambabatas na kailangang lumikha ng solusyon dahil may batas naman na laban dito na SIM Registration Act.
Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat wakasan na ang ganitong modus lalo ngayong magpapasko at hindi na dapat hayaang maipagpatuloy pa ang mga pambibiktima sa ating nga kababayan.










