Bentahan ng Processed Meat Products sa Dagupan City naging matumal, City Veterinary naghihigpit sa pagpasok nito

Naging matumal ang bentahan ng processed meat products sa lungsod ng Dagupan matapos ianunsyo ng Department of Agriculture na kumpirmadong mayroong brand ng tocino, hotdog at longganisa ang apektado ng African swine fever.
Sa panayam ng ifm dagupan sa mga tindera sa Malimgas Public Market, nagsimula umanong naging matumal ang bentahan kahapon nang pumutok ang balita ukol sa balitang nagpositibo sa ang tatlong processed meat products.
Bagamat ipinapaliwanag ng mga tindera na sila ay mayroong permit sa pagtitinda ng frozen meat, iwas pa rin ang mga mamimili dito.
Samantala, isasama na ng City Vetrinary Office ang pagbabantay sa pagpasok ng mga nasabing processes meat products na maaring psitibo sa asf At Dapat umano mayroong maipakitang certificate galing sa National Meat Inspection Service.
Nanatiling 140 pesos ang kilo ng hotdog, 130 sa longganisa at 110 sa tocino ang presyo nito sa lungsod.

Facebook Comments