BENTAHAN NG PRUTAS SA CAUAYAN, MATUMAL

Cauayan City, Isabela — Nananatiling matumal ang bentahan ng mga prutas na karaniwang inihahanda para sa pagsalubong ng Bagong Taon sa lungsod.

Sa panayam ng IFM News Team kay Aling Mads, isang tindera ng prutas, ibinahagi niyang kadalasang dumadagsa ang mga mamimili tuwing ika-30 at ika-31 ng Disyembre.

Pinakamabenta pa rin sa ngayon ang mga pabilog na prutas gaya ng mansanas, longgan, kiat-kiat, ubas, peras, ponkan, at pinya, na simbolo ng suwerte para sa maraming Pilipino.


Ang presyo naman ng Apple ay naglalaro mula P15-P25 kada piraso, grapes ay P200 kada kilo, Ponkan ay P40-P50 kada piraso, P250 kada kilo ang Longgan, P90 kada tali ang Kiat-kiat, at P35 kada piraso ang pinya.

Ang mga fruit basket naman ay mabibili sa halagang P500 hanggang P1,500, depende sa laki at dami ng laman.

Umaasa ang mga tindera na tataas pa ang kanilang benta sa nalalabing mga araw bago sumapit ang Bagong Taon, lalo na’t bahagi na ng tradisyon ng maraming pamilya ang paghahanda ng mga pabilog na prutas para sa suwerte at kasaganaan.

Facebook Comments