BENTAHAN NG PUTO NGAYONG HOLIDAY SEASON SA CALASIAO, MATUMAL PA RIN

Matumal pa rin umano ang bentahan ng puto sa bayan ng Calasiao ayon sa ilang tindera.

Kung dati umano pagpatak ng Disyembre malakas na ang bentahan ng puto ngayon nanatiling matumal ang kanilang benta.

Bagamat may pagtaas ng kita sa kanilang bentahan noong kapaskuhan ayon Kay Jennifer Sanchez, may-ari ng Isang puto stall sa bayan, hindi pa rin ganun kalakas ang bentahan ng puto ngayong holiday season.

Samantala, halos wala naman umano silang naibenta noong puto festival dahil sarado ang mga daanan kung saan ginanap ang iba’t ibang aktibidad.

Gayunpaman, may mangilan-ngilan na umanong umoorder sa kanila upang iresell ang kanilang produkto sa paparating na selebrasyon ng bagong taon.

Patok naman ang produktong tikoy roll, na nasa 240 pesos pataas.

Ang presyo ng puto with cheese sa ngayon ay nasa 130 pesos kada kilo at 120 pesos kada kilo ang classic puto at puto kutsinta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments