Bentahan ng shares ng Maynilad, bukas na sa publiko

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pormal na pagbubukas ng bentahan ng shares ng Maynilad Water Services Inc., kasabay ng bell-ringing ceremony sa Philippine Stock Exchange (PSE) sa Bonifacio Global City, Taguig.

Layon ng public listing na bigyang-daan ang mamamayan at mga investor na makibahagi sa paglago ng pribadong sektor.

Ayon kay Pangulong Marcos, patunay ang pagpasok ng Maynilad sa PSE ng malakas na kumpiyansa sa ekonomiya ng bansa at sa kakayahan ng mga Pilipinong mamumuhunan.

Dagdag pa ng Pangulo, sa pamamagitan ng IPO, magkakaroon ng mas malaking pagkakataon ang Maynilad na palawakin ang operasyon, mapaunlad ang serbisyo, at mapatatag ang transparency bilang pamantayan ng isang modernong negosyo.

Binigyang-diin din ni Marcos na ang mga programa ng Maynilad tulad ng climate-resilient water systems, renewable energy investments, waste management, at watershed protection ay tugma sa pambansang layunin ng gobyerno para sa sustainable at inclusive growth.

Facebook Comments