Ramdam na ng ilang negosyante sa foodstrip at Baratilyo sa Dagupan City ang lakas ng bentahan sa kanilang mga produkto ngayong linggo.
Mas lumakas umano ang kanilang kinikita ngayon kung ikukumpara noong unang linggo ng kanilang pag-arangkada sa pagbebenta.
Malaking tulong daw ang inilagay na pailaw sa City Plaza ng lokal na Pamahalaan na dinadagsa araw-araw.
Pagkatapos kasing mamasyal ay diretso ang mga ito upang kumain o di kaya ay mamili ng iba’t-ibang gamit sa Baratilyo.
Umaasa ang mga ito na mas lalakas pa ang kitaan sa pagdagsa ng mga mamimili at bumibisita dahil sunod-sunod na rin sa mga kaliwat kanang programa na may kaugnayan sa kapistahan at papalapit na exchange gift sa paaralan at trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments