Bagamat hindi gaano karami kaysa sa inaaasahang dagsa, bahagyang lumakas ang bentahan ng ilang isda sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City.
Ayon sa ilang tindera ng isda, nitong bisperas at araw ng Pasko nakitaan ng bahagya lamang na pagtangkilik ng mga mamimili sa mga produkto.
Nananatili sa presyuhan ang mga isda sa pampublikong pamilihan at wala na umanong inaaasahang malakihang paggalaw hanggang sa pagtatapos ng taon.
Samantala, ilan sa mabili ngayon ay ang isdang bangus, hipon, ilang shellfish products at iba pa.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments