Halos wala umanong paggalaw sa bentang paputok ayon sa ilang tindera sa Dagupan City.
Ayon sa ilang tindera sa bahagi ng NBI Pantal Bridge, hindi umano mabenta sa kanilang itinalagang pwesto hindi Gaya noong nakaraang taon.
Ang ilang mga dating suki ng mga ito mas pinipili na lamang umano ang torotot bilang pampaingay sa bagong taon dahil mas ligtas para sa kanilang mga anak at maiwasan ang pag gastos.
Anila, kamakailan lamang umano sila nakapag benta dahil kinumpleto ang mga dokumento upang lehitimong makapagbenta ng paputok sa lugar.
Payo ng mga tindera, bumili sa mga lehitimong tindahan ng paputok dahil dumaan sa tamang proseso.
Samantala, umaasa naman ang mga ito na mamayang hapon dadagsa ang mga mamimili ng paputok sa lugar.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments