Mariin na pinabulaanan ng transport group na AutoPro Pangasinan ang ukol sa kumakalat na bente hanggang trenta pesos umanong pasahe sakaling umarangkada ng mga modernized jeepney.
Ayon kay AutoPro Pangasinan President Bernard Tuliao, hindi umano totoo ang nasa bente hanggang trenta pesos na singil pasahe sa pag-arangkada ng modernized jeepneys sa bansa bagkus ay may karagdagang dalawang piso lamang sa kasalukuyang minimum fare ang kanilang ii-implementa.
Sa pag-arangkada kung sakali ng mga modernized jeepneys, mula sa trese pesos na minimum faire ay magiging kinse pesos na ito ngunit huwag naman mabahala ang mga komyuter dahil hindi naman totally iphe-phase ang traditional jeepney agad agad.
Inaasahan rin ng mga transport groups ang kumpletong porsyento sa transition mula traditional jeepneys bilang maging modernized jeepneys ay sa taong 2026 pa. |ifmnews
Facebook Comments