BENTE-KWATRO ORAS NA ON-GROUND SUPPORT SA MGA DELEGADO NG PALARONG PAMBANSA SA ILOCOS NORTE, PATULOY NA TINITIYAK

Bente-kwatro oras na alalay at suporta ang tiniyak ng awtoridad para sa mahigit 15, 000 na mga atleta, coaches at delegation officials sa patuloy na pag-arangkada ng 65th Palarong Pambansa sa Ilocos Norte.

Nakadeploy ang 448 police officers sa mga billeting areas, 277 sa mga sports venues, 137 sa pamamahala sa daloy ng trapiko at mayroon ding 64 na nakatoka sa route security para sa mga delegado at iba pang opisyales.

Nakaantabay din ang Quick Response Force na kinabibilangan ng 20 Philippine Marine personnels, 9 mula sa Philippine Army, at 12 sa Philippine Coast Guard.

Patuloy din ang pagtutok ng health/medical personnels katuwang ang Ilocos Norte Provincial Health Office at Bureau of Fire Protection para sa mga kalahok na mangangailangan ng anumang atensyong medikal.

Ang Regional Disaster Risk Reduction Management 1 – Emergency Operations Center ay naka heightened alert status pa rin upang matutukan ang sitwasyon sa naturang kaganapan.

Tiniyak ng mga awtoridad ang adhikaing mairaos at mapanatili ang kaayusan ng Palarong Pambansa at kaligtasan ng bawat hanggang sa pagtatapos ng naturang sports event. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments