BENTE PESOS NA BIGAS, LALAPAG NA PARA SA MGA KWALIPIKADONG BENEPISYARYO SA SAN FABIAN

Magkakaloob ng murang bigas ang pamahalaan sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa bayan ng San Fabian bilang bahagi ng pagdiriwang ng Agew na San Fabian.
‎‎

‎Kabilang sa mga maaaring makinabang sa programa ang mga senior citizen, benepisyaryo ng 4Ps, solo parents, persons with disabilities (PWDs), rehistradong magsasaka, at mangingisda na maaaring makabili ng tig-sampung kilo ng bigas sa halagang tig-bente pesos kada kilo.

‎‎
Kinakailangan lamang magdala ng kaukulang ID tulad ng OSCA ID, Solo Parent ID, PWD ID, o katibayan bilang miyembro ng 4Ps, magsasaka, o mangingisda.


‎Layunin ng programa na maibsan ang gastusin ng sa araw-araw ng mga mamimili lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

‎Gaganapin ang distribusyon simula ngayong araw hanggang bukas, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:30 ng hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments