
Umarangkada na sa ilang piling fish port sa Luzon ang bente pesos na kada kilo ng bigas para sa mga nasa fishery sector.
Pormal na inilunsad ngayong araw ang “Benteng Bigas, Meron Na!” sa Navotas Fish Complex sa Metro Manila, Sual Fish Port sa Pangasinan at Lucena Fish Port Complex sa Quezon.
Kabilang sa mga mabebentahan ng P20 per kilo na bigas ay mga mangingisda at fishery workers na nasa listahan ng Registry System for Basic Sectors of Agriculture.
Maaaring makabili ang eligible beneficiaries ng hanggang sampung kilo kada buwan.
Kinakailangan lang iprisinta ang kanilang RSBSA or FishR IDs, or a valid QR code from the online registration system.
Facebook Comments









