‘Benteng Bigas, Meron Na’ sa Clark Freeport, dinagsa

Libo-libong empleyado at manggagawa ang dumagsa sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo: Pamaskong Handog sa Manggagawa sa Clark Freeport Zone kung saan maaga pa lamang ay mahaba na ang pila para sa P20 kada kilo na bigas at iba pang abot-kayang pangunahing bilihin na bahagi ng programa.

Tinatayang nasa 100,000 workers sa Clark ang makikinabang sa nasabing Kadiwa rollout na pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel, kasama si Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 Director Geraldine Panlilio.

Ayon kay Clark Development Corporation (CDC) President at CEO Atty. Agnes VST Devanadera, hindi pansamantala ang inisyatibo dahil sinisiguro umano ni Sec. Laurel ang pagpapatuloy ng Kadiwa hanggang 2028.

Bago matapos ang aktibidad, nagsagawa rin ang mga opisyal ng ceremonial planting ng apat na Guimaras mango saplings kasunod ng turnover ng isang tissue culture laboratory na layong suportahan ang agricultural development sa rehiyon.

Facebook Comments