Tiniyak ng Commission on Elections Dagupan City na may sapat na electric fan bilang bentilasyon ang mga voting precincts sa lungsod sa kabila ng nararanasang mainit na panahon.
Ayon sa tala ng PAGASA Dagupan, pasok sa danger category ang 43 degree celsius na naitalang heat index kahapon.
Sa panayam kay Commission on Elections Dagupan Election Officer Atty. Frank Sarmiento, hindi maiiwasan na posibleng maging maalinsangan ang kondisyon sa mga presinto lalo at aminado ang tanggapan na congested ang ilan sa mga voting precincts dahil sa dami ng mga botante.
Binigyang katiyakan na rin ng Office of the Civil Defense Region 1 na may kooperasyon na sa mga katuwang na health care authorities tulad ng Philippine Red Cross na ilalagak sa mga strategic areas at tutulong sa pag-aasikaso ng mga botanteng mangangailangan ng medical assistance. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments