Berjaya Makati Hotel, tuluyan nang ipinasara ng Makati-LGU; pero pamunuan ng hotel, pumalag!

Tuluyan nang ipinasara ng Makati City-Local Government Unit ang Berjaya Makati Hotel kung saan naka-quarantine ang tinaguriang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua.

Kasunod na rin ito ng pagsuspinde ng Department of Tourism sa accreditation ng Berjaya matapos ang paglabag ni Chua sa quarantine protocols makaraang lumabas sa hotel at mag-party.

Ayon kay Jun Salgado ng Makati Public Information Office (PIO), wala ng dahilan para mag-operate pa ang Berjaya Makati Hotel dahil ang operasyon nito ay isang quarantine facility.


Agad na ipinaskil ang closure order sa pinto ng Berjaya na mananatili maliban na lamang kung babawiin ng DOT.

Pero sa kabila nito, agad na pumalag ang pamunuan ng Berjaya at iginiit na walang basehan ang ginawang pagkandado ng Makati-LGU sa establisyemento.

Giit ng pamunuan ng Berjaya, ang suspensyon ng DOT ay hindi pa epektibo at walang batas na nagpaparusa sa mga hotel kung hindi nai-report ang paglabag ng kanilang guest sa quarantine protocols.

Nais ng Berjaya na dumaan sa tamang proseso ang lahat bago ipatupad ang closure order.

Facebook Comments