Berlin – Nakapagtala ng bagong world record ang isang shopping center sa Berlin, Germany matapos nilang ihain ang 423.5 kilo na shawarma.
Halos isang tonelada ang bigat ng shawarma na kinailangang hatiin sa dalawa dahil sa labis na dami nito.
Nagawang mahigitan ng shawarma mula Berlin ang 413 kilong shawarma na ginawa sa Australia na dating may hawak ng world record.
Inihain ang world record holder na shawarma bilang palaman sa pita bread pero hindi na ito binudburan ng garlic sauce.
Sa halip ay herb sauce ang ginamit ng mga cook para rito.
Facebook Comments