Bersamin: ‘Di ako nag-resign; idemanda n’yo ako kung may ebidensya’

Hinamon ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang lahat ng nagdadawit sa kanyang pangalan sa umano’y ₱100 billion na budget insertion sa 2025 National Budget na maghain na lamang ng kaso kung may matibay na ebidensya at huwag magpakalat ng paratang na puro sabi-sabi.

Ayon kay Bersamin, handa siyang sagutin ang anumang reklamo sa korte dahil mas malinaw at patas ang proseso roon.

Giit pa ni Bersamin, wala siyang kinalaman sa anumang budget insertion at hindi trabaho ng Office of the Executive Secretary ang makialam sa pondo ng ibang ahensya.

Nanindigan din si Bersamin na wala siyang tinatakbuhan dahil hindi naman daw talaga siya nagbitiw bilang Executive Secretary at hindi totoo ang pahayag na ginawa niya ito “out of delicadeza.”

Ang Palasyo na raw ang dapat magpaliwanag kung saan hinugot ang “resignation” na hindi naman nangyari.

Facebook Comments