Bersyon ng inaprubahang 2020 Budget Bill ng Kamara, pinag-aaralang i-adopt ng Senado

Pinag-aaralan ngayon ni Senador Panfilo Lacson ang posibilidad na i-adopt ng Senado ang bersyon ng 2020 Budget Bill ng Kamara.

Ito ay para mapabilis ang pagpasa sa panukala at mapigilan ang mga Kongresista na magsagawa ng anumang pagbabago sa budget.

Ayon kay Lacson, nabanggit na niya ito kina Senate President Tito Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon na kapwa ikinokonsidera ang kanyang mungkahi.


Una rito, sinabi ni Lacson na wala siyang nakikitang iregularidad sa bersyon ng inaprubahang 2020 National Budget ng Kamara.

Tiniyak naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na top priority ng Senado ang pagpasa sa pambansang pondo.

Target ng Senado na simulan ang deliberasyon sa 2020 National Budget sa ikalawang Linggo ng Nobyembre.

Facebook Comments