Manila, Philippines – Umaasa si Senate President Tito Sotto III na i-a-adopt ng Kamara ang naipasang panukala ng Senado para itaas ang buwis ng sigarilyo.
Sabi ni Sotto, ito ang ipinangako ng Kamara para hindi na kailanganin pang isalang sa Bicameral Conference Committee at ratipikahan ang panukala.
Ayon kay Sotto, sa bersyon ng Senado ay kanilang ipinaloob ang mga ideya ng Mababang Kapulungan para matanggap nila ito ng buo.
Paliwanag ni Sotto, ngayong araw ay nakatakdang tapusin na ng dalawang kapulungan ang session para sa pagsasara ng 17th Congress.
Kapag hindi naisabatas ang panukala ay magiging back to zero at kakailanganin na muling itong ihain sa 18th Congress.
Facebook Comments