Bersyon ng Senado sa pagkakaroon ng departamento para sa mga OFW, inadopt ng Kamara

Ini-adopt sa huling sesyon ng Kamara ang Senate Bill 2234 o ang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos Bill.

Sinangayunan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bersyon ng Senado para sa pagtatatag ng hiwalay na kagawaran sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ibig sabihin, hindi na ito idadaan sa Bicameral Conference Committee at diretso na sa lamesa ng tanggapan ng pangulo.


Dahil pinabilis ang proseso sa pagkakaroon ng departamento sa mga OFW ay inaasahang malalagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bago mag-Pasko.

Sa ilalim ng panukala, i-a-absorb ng bagong kagawaran para sa mga OFW ang tungkulin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ang bagong ahensya na ang maaatasan sa pagtiyak ng benepisyo, karapatan at proteksyon para sa ating mga migrant worker.

Facebook Comments