BEST ACTRESS | Iza Calzado, wagi sa 34th Star Awards for Movies

Manila, Philippines – “Dream come true” para kay Iza Calzado ang pagkakapanalo niya ng best actress award sa 34th Star Awards for Movies kagabi.

Ayon sa 35-year old actress, 16 years niyang hinintay ang pagkakataon masungkit ang awards dito sa Pilipinas.

Matatandaang itinanghal na noon sa ibang bansa si Iza bilang best actress para sa pelikulang “Bliss”.


Samantala, best actor naman si Raymond “RS” Francisco para sa pelikulang “Bhoy Intsik” kung saan nakalaban niya ang mga bigating artista gaya nina Dingdong Dantes, Aga Muhlach, Robin Padilla, Piolo Pascual, Derek Ramsay, Jericho Rosales at Vic Sotto.

Movie of the year naman ang “Kita-Kita” habang indie movie of the year ang “Changing Partners”.

Pinarangalan bilang movie love team of the year sina Joshua Garcia at Julia Barreto para sa pelikulang “Love You To The Stars And Back”.
Wagi naman bilang male and female star of the night sina Xian Lim at Kim Chiu.

Facebook Comments