BEST BANTAY EVER | Mga netizen, na-cute-an sa apo ni Gary V.

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng mga netizen ang cute na bantay ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa ospital habang nagpapagaling mula sa operasyon sa puso.

Sa cute na instagram post ng asawa ng anak na si Paolo Valenciano, makikita ang apo ni Gary V na si Nataleia Martine na tahimik na nakaupo sa tabi nito.

Sa caption, sinabi ng ina ni Nataleia na ang anak ang “best bantay ever” ng kanyang Lolo Gary.


Nitong Martes sa isa ring instagram post, ipinaalam ni Gary sa kanyang mga tagahanga na nasa maayos na siyang kalagayan matapos sumailalim sa operasyon noong Linggo.

Facebook Comments