Best Battalion sa Buong 5ID, Iginawad sa 86th Infantry Highlander Battalion!

587

*Cauayan City, Isabela- *Pinarangalan bilang Best Battalion sa buong pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang 86th Infantry Battalion dahil sa mga nagawang accomplishments sa taong 2018.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Lt. Col. Remegio Dulatre, Commanding Officer ng 86IB sa naging panayam ng RMN Cauayan sa kanya.


Bunga anya ito ng kanilang patuloy na pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Dahil na rin anya sa kanilang patuloy na pagsasagawa ng Community Support Program sa mga barangay sa tulong ng pamahalaan upang matugunan ang kanilang mga hinaing laban sa mga masasamang gawain ng mga kalaban ng gobyerno.

Personal naman na iginawad ni Lt. Gen. Macairog Alberto, Commanding General ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang parangal kay Lt. Col. Remegio Dulatre bilang pagkilala sa pagiging Best Battalion ng pinamumunuan nito nitong Pebrero 11, 2019 sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi Gamu, Isabela.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Lt. Col. Dulatre sa pamunuan ng 5th ID sa pamumuno ni Major General Perfecto Rimando Jr dahil sa suporta at tiwalang ibinigay sa kanyang pamumuno.



Pinasalamatan din nito ang kanyang mga kasamahan dahil sa pagpupursige at ipinakitang dedikasyon upang mapanatiling tahimik at mapayapa ang buong nasasakupan ng kanilang batalyon.


Facebook Comments