Best business deal, inaasahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland

Mas excited si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Sa panayam ng media sa loob ng eroplano patungong Switzerland, sinabi nitong maraming beses nang nangyari na ang best deals ay outside o sa sidelines ng Forum o nangyayari informally.

Kaugnay nito pinaghandaan rin ng pangulo ang mga short speeches na kanyang gagawin sa World Economic Forum dahil ito aniya ay magandang oportunidad para maipakita at maipaliwanag sa iba’t ibang world leaders ang mga ginagawa sa Pilipinas para mas mapaangat ang ekonomiya nang sa ganun mas makahikayat nang mas maraming investors para sa Pilipinas.


Facebook Comments