BEST FOOTBALL PLAYER | Cristiano Ronaldo, nakuha ang 2017 Ballon D’Or award sa ikalimang pagkakataon

13

Sports – Muling hinirang na pinakamagaling na football player sa buong mundo si Real Madrid striker Cristiano Ronaldo.

Si Real Madrid striker Cristiano Ronaldo kasi ang may pinakamaraming boto, 946 points, para maiuwi ang 2017 Ballon D’Or. Ito ang ikalimang pagkakataon na nakuha ng Portuguese International ang pagkilala.

Pumangalawa sa botohan si Lionel Messi ng FC Barcelona at Argentina sa kaniyang 670 points habang may 361 points naman sa pangatlong pwesto si Neymar ng Paris St. Germain at Brazil.

Sa panalo niya ngayong taon, parehong may tig-lilimang Ballon D ’Or na sina Ronaldo at Messi.

Facebook Comments