BEST OF THREE | NLEX Road Warriors, pasok na sa kauna-unahang pagkakataon sa semifinals ng PBA Philippine Cup

PBA – Pasok na sa semifinals ng PBA Philippine Cup sa kauna-unahang pagkakataon ang NLEX Road Warriors.

Ito ay matapos nilang talunin ang Alaska Aces sa score na 87-83 kung saan na-sweep nila ito sa 2-0 sa best of three quarterfinals series.

Naging bida sa panalo ng NLEX Si Kevin Alas na may 18-points at Michael Miranda na nakapag-ambag ng 12-points.


Susunod na makakaharap ng NLEX ang Magnolia Hotshots para sa best of seven semifinals na magsisimula sa Sabado, 6:30pm sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments