BEST PARTNERS NG DSWD REGION 2, IGINAWAD SA NIA REGIONAL OFFICE 2

CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng parangal ang NIA Regional Office II, kasama ang Isabela at Quirino Irrigation Management Office (IMO) bilang Best Partners ng DSWD Region 2 sa ginanap na Gawad Sulong and Panagraem 2024 sa Robinsons Place, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang Gawad Sulong and Panagraem 2024 ay isang programa ng DSWD upang kilalanin ang dedikasyon, commitment, at tagumpay ng mga benepisyaryo, empleyado maging partner beneficiaries ng Sustainable Livelihood Program.

Sa nasabing programa, ipinasakamay sa NIA ang pamamahala at pagbuo sa mga irigasyon na makatutulong para sa maayos na patubig ng mga sakahan.


Gayundin na katuwang ng DSWD ang NIA sa pagbibigay ng mga karagdagang kaalaman sa mga magsasaka upang mapalakas pa ang produksyon ng kanilang mga ani.

Facebook Comments