BEST PLAYER | Modric tinanghal na best player ng 2018 FIFA World Cup

Russia – Kahit natalo sa finals, tinanghal pa rin na pinakamagaling na player sa 2018 FIFA World Cup sa Russia si Luka Modric ng Croatia.

Ginawaran ang Croation team captain ng Golden Ball Award dahil na rin sa nagawa nito para dalhin sa finals ang kaniyang koponan na kung tutuusin ay siyang surprise package ng torneo.

Si Harry Kane ng England naman ang nagkamit ng Golden Boot Award dahil sa kaniyang anim na goal, na siyang pinamakarami sa buong wold cup.


Si Kylian Mbappe naman ang nag-uwi ng FIFA Young Player Award.

Si Mbappe ang pinakabatang player simula pa kay Pele na nakaiskor sa world cup final game.

Malaki rin ang naging papel nito para makapasok at manalo ang France sa World Cup.

Ang Belgian Goalkeeper na si Thibaut Courtois ang ginawaran ng Best Glove award habang nakuha ng Spain ang FIFA Fair Play Trophy.

Facebook Comments