Best practices ng ibang mga bansa kaugnay sa exportations, pinaaaral ni PBBM sa mga economic manager

Utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga economic manager na pag-aralang mabuti ang mga best practice ng ibang bansa na naging dahilan nang matagumpay nilang free trade agreement para sa mga export.

Pahayag ito ng pangulo sa panayam sa Taguig matapos dumalo sa International Trade Forum na inorganisa ng Department Trade and Industry (DTI).

Paliwanag ng pangulo, kung matuto ang Pilipinas sa tagumpay ng ibang bansa magiging susi ito para mapanatili ang competitive ang global export and trade.


Binanggit naman ng pangulo na may pipirmahang free trade agreement sa pagitan ng Korean government na isang paraan para mapayabong ang exportation ng Pilipinas.

Bukod sa Korean government, pinag-aaralan na rin ayon sa pangulo ang pagpirma sa free trade agreement sa pagitan ng European Union at Amerika.

Layunin rin nito ayon sa pangulo ay upang magkaroon ng open markets ang Pilipinas para sa pag-import at export.

Facebook Comments