Naghahanda na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa hamon na idudulot ng El Niño sa sektor ng pangisdaan.
Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, binabantayan nila ang magiging epekto ng sobrang init ng panahon sa lokal na supply ng isda.
Aniya, sa unang banda, may fish species ang may kakayahang mabuhay sa gitna ng sobrang init at mayroon namang mahihina na kayanin ang epekto nito.
Halimbawa aniya, ang tuna at sardinas ay may kakayahang maka-akma sa mainit na temperatura.
Pero, malaking hamon naman ito sa pag-aalaga ng bangus at tilapia.
Ang pagkatuyo ng water level ay magpapahina sa dissolved oxygen na kailangan sa maayos na paninirahan ng naturang land based aqua culture species.
Tiniyak naman ni Escoto na nakahanda na ang BFAR sa pagpapatupad ng aqua culture practice para maiwasan ang insidente ng fish kill sa fish cages.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy na pagpapatupad ng awareness and information campaign at monitoring.