Bestlink College of the Philippines, kakasuhan ng isa sa pamilya ng nasawing estudyante sa Tanay bus tragedy

100

Nakatakdang kasuhan ng isa sa pamilya ng nasawing estudyante sa Tanay bus tragedy ang Bestlink College of the Philippines.

 

Ayon sa pamilya ni Lovelyn Siringan, naniniwala silang malaki ang pananagutan ng paaralan sa insidente.

 

Hindi na raw kasi dapat sasama si Siringan pero dahil sa takot na bumagsak ay sumama na lamang siya sa educational tour ng Bestlink College.

 

Handa naman anilang tumulong si PAO Chief Atty. Percida Acosta sa pagsasampa ng kaso.

 

Isasauli rin ng pamilya ang P5,000 na ibinigay ng paaralan sa kanila.

Facebook Comments