Beta COVID-19 variant, nananatiling ‘common variant’ sa bansa ayon kay Duque

Nananatiling “most common variant” sa bansa ang Beta variant ng COVID-19.

Nabatid na ang Beta variant ay unang na-detect sa South Africa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa 21.11% ang kabuoang porsyento ng Beta variant sa bansa.


Kapag na-detect aniya ang Beta variant sa isang rehiyon, nagiging pangkaraniwan na lamang ito.

Sinundan ito ng Aplha variant (variant mula sa United Kingdom) na may 18.53%.

Sinabi ni Duque na nagkakaroon ng surge ng kaso sa Visayas at Mindanao dahil sa iba’t ibang factors kabilang ang hindi pagsunod sa health protocols.

Hindi inaalis ni Duque ang posibilidad na magkaroon ng bagong wave ng infection kapag itinaas ang mobility at mabalewala ang minimum health standards.

Dapat ding higpitan ng border controls para mapigilan ang pagpasok ng iba pang variants.

Facebook Comments