Beteranong Actor Na Si Dick Israel Sumakabilang Buhay Na

17

MANILA – Sumakabilang-buhay na ang beteranong actor na si Dick Israel sa edad na 68.Sa isang Facebook post, kinumpirma ng kaibigan nitong si Vivian Velez ang pagpanaw ng aktor.Si Israel ay nakilala sa kanyang iba’t-ibangkontrabida rolessa higit 220 pelikula at tv shows noong dekada 80’ at 90’s.Matagal na nawalan ng balita ang publiko hinggil sa kalagayan ni Israel.Gayunman, nitong nakaraang buwan ng Hulyo, nadiskubre ng publiko ang kalagayan nito nang masunugan ito ng kanilang bahay sa Caloocan City nang mag-viral sa social media ang isang larawan nito.Nalaman rin ng taumbayan na bago nasunugan, na-stroke din ito noong 2010 at noo’y kasalukuyang nagpapagaling.Dahil sa nag-viral na larawan, bumuhos ang tulong at suporta mula sa kapwa niya mga artista at ordinaryong sibilyan para sa premyadong aktor.

Facebook Comments