Beteranong aktor na si Christopher de Leon, nagpositibo sa COVID-19; asawang si Sandy Andolong at anak nito, nakaquarantine!

Kinumpirma ng beteranong aktor na si christopher de leon na nag-positibo siya sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Batay sa kanyang instagram post, sinabi ng aktor na wala naman siyang travel history sa labas ng bansa at wala ring nakasalamuha na sinumang positibo sa nasabing virus.

Pero posibleng nakuha raw niya ang virus sa kanyang trabaho na palaging nasa labas para mag-teyping.


Dahil dito, hinikayat ng aktor ang lahat na kanyang nakasalamuha na sumailalim sa self-quarantine sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Hiniling din nito sa publiko na makipagtulungan sa gobyerno para sa isinasagawang contact tracing.

Sa ngayon, naka-self quarantine na rin ang kanyang asawa na si Sandy, anak na si Mica at mga kasambahay.

Facebook Comments