“Better performance” ng Agri-Industry, asahan na sa huling bahagi ng 4th quarter ng taon ayon sa DA

Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na gaganda na ang produksyon ng mga agricultural product sa huling bahagi ng 4th quarter ng taon.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mangyayari lamang ang naturang pagtaya kung hindi matatamaan ng malalakas na mga pag-ulan o bagyo ang agricultural areas sa bansa.

Paliwanag ni Dar, malaki ang naging epekto ng Agri-Fishery sector sa pagbaba ng total performance ng industriya ng agrikultura dulot na rin ng mga nagdaang bagyo.


Ito’y sa kabila umano ng paglago ng palay at poultry production ng bansa sa ikatlong kwarter ng taon.

Facebook Comments