Better working environment, makakamit kung maipasa rin ng Senado at tuluyang maisabatas ang mga panukala para sa mga mangagawa na lumusot na sa Kamara

Nakikita ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles na malapit ng matamasa ng mga Pilipinong manggagawa ang mas maayos na working environment.

Pahayag ito ni Nograles matapos maipasa ng Mababang Kapulungan ang mga panukalang batas na nagsusulong sa kapakanan ng Filipino workers na dininig at inendorso ng pinamumunuan niyang Committee on Labor and Employment.

Kabilang dito ang mga panukalang Eddie Garcia Act, Freelance Workers Protection Act, at ang Enterprise Productivity Act.


Umaasa si Nograles na sa lalong madaling panahon ay maipapasa na rin sa Senado ang kaparehong mga panukala para tuluyan ng maisabatas ang mga ito at maipatupad ang mga pagbabago sa sistema ng paggawa sa ating bansa.

Tiniyak naman ni Nograles na patuloy na kikilos ang House Committee on Labor para sa mga batas na makatutulong at poprotekta sa mga manggagawang Pilipino.

Facebook Comments