BF, Nadiskubreng Patay sa Kama ng Boarding House ng GF

36

Isang binata ang nadiskubreng wala ng buhay habang nakahiga sa kama ng kanyang kasintahan sa isang boarding house sa Barangay San Jose bayan ng Pili dito sa Camarines Sur.
Kinilala ang namatay na si Johnvic Adante y Servino, edad 20, binata at residente ng Zone 7, Brgy. San Vicente, Iriga City.
Ang nasabing insidente ay ipinaabot sa pulisya ng girlfriend ni Adante na kinilalang si Maria Glady’s Marmol y Quitain, edad 21, kasama ang may-ari ng boarding house na si Rene Espaldon y Dulfo, edad 39 ng nabanggit na bayan.
Ayon sa report ng investigating police officer, wala naman umanong palatandaan na may gulong nangyari o nagkaroon ng struggle sa kwarto kung saan natagpuang wala ng buhay ang biktima.
Dagdag pa dito, narecover din sa kwarto ang isang plastic bottle na may lamang 14 capsules ng gamot na may pangunahing sangkap na ginseng na pinaniniwalaang ininum ng binata.
Hindi pa tiyak kung ano talaga ang sanhi ng kamatayan ng binata, pero naniniwala ang pamilya na cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay nito.
Hindi rin nagbigay ng detalye ang GF kung ano ang mga pangyayari sa kwarto bago niya nadiskubreng wala na palang buhay ang kanyang BF na nakahiga sa kama.
Kaugnay pa rin ng insidente ito, nag-manifest naman ng isang pirmadong waiver ang nanay ni Adante na nagsasabing ayaw na ng pamilya na magkaroon pa ng autopsy o necropsy examination sa bangkay ng kanyang anak.
Kaagad namang iniuwi ng pamilya ang mga labi ng binata sa kanilang lugar sa Iriga City.

Facebook Comments